TINIK: DIBUHO SA PALAD Judiel Alcober IIkaw si Tinik, kay tulis ng iyong mga kuko, Ako si Kamay, kayumangging balat, Nag-krus landas natin, ako’y napasaiyo. Damit mo’y nagdurugo, ako’y atat-na-atat, Na mahahalintulad sa mga telang nagkapatong-patong Na napakasopistikadong aklat na nakabuklat. Ako’y isang hamak na kamay, buhay parang pagong. Kaliwat’t kanan ay napakadumi, Timplahan pa ng aking palad na ay hugis gung-gong! Sa kulit ng aking kamay, ‘di ako makatimpi. Sa mga ningning mong iyan, ako’y kumarida Yinakap ko ikaw, OH TINIK! na walang pag-aatubili. Tayo’y maghagkan magdamagan, hanggang sa ito;y magdurugo, Gamit ang tinik mong iyan, malakulambo Na kay lambot pa kaysa sa bulak, Hanggang sa ito’y maisaksak. Idinibuho gamit ang kirot na ‘di mo naman talaga maidaramdam, Nang sa gayo’y mga linya’t sukat, hugis nito’y maging plano sa pagtayo ng Gusaling hangad. 40
The Manila Magnolia Vol. 2 Issue 1 Page 40 Page 42