At ako’y nagising. AHHHHH!!!! NAPAKASAKIT!! NAPAKAHAPDI! ‘DI KO MAIPINTA!!! Na ang nais ko lang naman ay maipadama ko sa iyo Na ika’y kaibig-ibig, gamit ang nag-durugo kong palad na magsisilbing MITSA! Ako’y galos-galos, nagdurugo, durog: sa kakahintay, sa paghihinagpis, ako’y batong-bato. Sa pagnanais ko ika’y mahagkan, lumipad, Hanggang sa ikaw ay kanais-nais ng lahat, diwa ko’y iyong-iyo. Mula sa katas ng dalawang naghagkan, tumambad. Katas reenkarnasyon na kulay karnasyon na nagbibigay buhay at sigla Sa bawat kwartong kalakip sa kanilang bagong hugis-anyo na nakatewang-wang, ugo-ugod, pagkalosyang, sagad! Iniluwal mula sa bukal ang isang nilalang, kaiba-iba KAMAY na MALATINIK sa anumang uri nag paglikha’t sinning, kagila-gilalas! 41
The Manila Magnolia Vol. 2 Issue 1 Page 41 Page 43