asukal at iba pang rekado ng dagat. Elijah Aaron Molina iniirog kong sireno. ako ang karpintero ng dagat. aking sinasala ang tabla ng araw at ang asukal ng binurong alon upang alagaan ang bubong ng ating puso. dahil sa iyong koral na pag-ibig at ating daliring dumudura tila mga poso. tayo ay lumalangoy sa asul na mga simento. ating iwaglit ang wika ng tao para sa lengguwahe ng kapwang pagkalunod. mga bula bilang bitamina ng bunganga. haplusin natin ang tanong ng mga tubig hanggang lumigamgam ang dugo ng bawat isda at bulaklaking asin. hanggang sila ay magsilbing tanglaw sa alinlangan ng binatang bingwit. ikaw ang alamat ng aliw. ang iyong hininga ay nagtatanim ng halaman sa hati ng aking mga hasang. dinidiligan ng iyong malinaw na dura ang kreyon ng kabibeng mahiwaga. 11
The Manila Magnolia Vol. 2 Issue 1 Page 11 Page 13